“Ganun din naman ‘yung tingin ko sa kanya dati, nung mga panahong di ko pa siya kilala,” she was quoted by Push as saying in an interview aired on the March 10 episode of The Buzz.
“Siguro naman di talaga natin maiiwasan na makapagsalita ka o kaya makapag-isip ka ng di maganda sa isang tao, lalo na kapag may mga nagsasabi sa ‘yo.”
“Sa nakikita ko, si Gerald napaka-gentleman na tao. Kaya sabi ko sa kanya… 'Kaya maraming nagagalit sa ‘yo (kasi) napakabait mo, sobrang gentleman’.” she said.
“Ayoko nang i-defend ang sarili ko. Basta ako, alam ko na alam niya na naging totoo akong kaibigan at hanggang ngayon andito pa rin ako,” she had said.
“Kahit na anong mangyari kaibigan pa rin niya ako. Ang pagkakaibigan [dapat] nagkakaintindihan, pero andito lang kami sa lugar ngayon, sa sitwasyon ngayon kung saan na kailangan naming pagdaanan. Di ko man maibalik ‘yung friendship na kung anuman meron kami, pero sana in time ma-realize niya [at] ng lahat na andito ako bilang totoong kaibigan.”