When asked if how does she feel working with Senator Jinggoy, Maja said:
“Siyempre nakakatuwa na makakasama ko si Senator Jinggoy [Estrada] sa isang pelikula diba, antagal na niyang huminto na gumawa ng pelikula...”
“Kasi parang production nila 'to ni Mr. Rudy Fernandez [Maverick Films].”
“After nun, di ba parang sinarado at ngayon binuksan ulit so yun, siyempre kahit papano nakakatuwa na mapasali sa pelikula niya. First shooting day namin ngayon.”
“Ako dito si Monette dito, isa akong bungangera, isa ako sa mga tutulong sa mga problema ni Tatay, ni Senator Jinggoy.”
“Si Monnette ay isang fixer, actually nagtanong ako sa kanila [sa mga kaibigan ko], sabi nila raketera.”
“Actually hindi lang naman fixer, yun... nagbebenta din naman ako ng mga pabango galing Singapore, mga bags... lahat ng raket na puwede kong pasukin... yun.”
“Actually, pag mapanuod niyo na yung pelikula, mabibilib kayo sa pagiging sobrang positive nung character ko.”
“Kasi kahit gaano kahirap ang buhay, mas pinipili niya talaga yung… mas pagaanin na lang niya yung buhay niya kasi kung mas iintindihin pa niya yung problema niya, mas lalong lalala talaga.”
“Kaya malaki yung maitutulong nung karakter ko dun sa karakter ni Senator Jinggoy.”