In an interview with “The Buzz” host Boy Abunda aired on Sunday, the 24-year-old actress said the actor’s admission about the real score between them made her realize her worth.
“Nasabi na lang po niya after nung pictorial and interview. Sabi niya ‘Sana okay lang, inamin ko na. Tinanong kasi ako.’ Kung paano niya sinabi sa Star Studio, ganun niya sinabi sa akin. Hinihintay kong bawiin niya kasi akala ko joke lang tapos hindi niya binabawi,” she said.
she added: “Nung araw na sinabi niya sa akin na umamin siya, parang doon ko na-realize kung gaano ako kaimportante at kahalaga sa buhay niya.”
“Aaminin ko, kinain ko ang mga sinabi ko. Marami akong sinasabing masasama sa kanya dati. Never ko naisip na magiging kaibigan ko siya at mai-in love ako sa kanya. Pero nung nakilala ko na 'yung tao, iba. Hindi mo akalain na sa mga ganung pag-uusap lang, sa saglit na pagsasama niyo lang, puwede mo palang mahalin ang tao.” she said.
“Parang lahat eh. Hindi ko sinasabi ito dahil in love ako. Kapag nakilala mo siya, kaya pala ang daming taong nagmamahal sa kanya at ang daming taong ayaw siyang mawala sa buhay nila.”