Inopen na ni Matteo Guidicelli ang kanyang damdamin kay Maja Salvador. Na-insecure yata ito sa closeness ng aktres sa kanyang kapareha sa Minsan Lang Kita Iibiginna si Coco Martin. Kung dati ay pinag-iisip pa niya ang tao sa kanyang tunay na intesiyon kay Maja, ngayon kapag tinatanong siya ay walang kagatul-gatol na niyang sinasagot na may damdamin siya rito at hinihintay na lamang niya ang tuluyang pagkakaroon nila ng relasyon.
Nag-uugat ang insecurity ni Matteo sa lumalalim na friendship nina Maja at Coco at ang pagsang-ayon ng mga fans sa kanilang relasyon. Bunga ng madalas na pagsasama sa nasabing serye.
Sa mabilis na pagsikat ni Coco, natural lang na hanapan siya ng fans ng isang inspirasyon at si Maja ang inaakala nilang karapat-dapat sa kanyang pagtatangi.
Nang simulan ang pagtatambal sa dalawa, isang tsismis lamang ang pagkakagusto kay Maja ng kabataan ding car racer, until i-announce ni Matteo na officially ay nililigawan na niya ito.